fil.news
30

Mayroong Ebidensya na si Kardinal Schönborn ay Nagsinungaling

Inulat ni Marco Ansaldo sa Sinodo ng Pamilya noong 2015 na inimbita ni Benedict XVI si Kardinal Schönborn ng Vienna sa isang pananghalian upang himukin si Schönborn na gumawa ng paraan para sa kompromiso …Higit pa
Inulat ni Marco Ansaldo sa Sinodo ng Pamilya noong 2015 na inimbita ni Benedict XVI si Kardinal Schönborn ng Vienna sa isang pananghalian upang himukin si Schönborn na gumawa ng paraan para sa kompromiso sa pagitan nina Kardinal Müller at Kasper.
Itinanggi ng tagapagsalita sa media ni Schönborn ang kuwento sa onepeterfive.com (Pebrero 3) at sinabi na ang ulat ni Ansalado ay "hindi totoo".
Ngunit noong Marso 12 ibinunyag ng onepeterfive.com na nagsalita ito sa isa pang source noong Enero na nagpalakas sa ulat ni Ansaldo. Dalawang hindi pinakilalang source na parehong bahagi ng grupo ng mga Alemang tagapagsalita sa 2015 na sinodo, ang kinumpirma na naganap ang pagpupulong sa pagitan ni Schönborn at ni Benedict.
Isang source ang nagsabi na ang ulat ni Ansaldo ay tama din ang detalye at ang pagpupulong ay "alam ng grupo ng mga Alemang tagapagsalita". Si Ansalado ay nanindigan sa kanyang orihinal na kuwento.
picture: Christoph Schönborn, © Evangelische Kirche in Österreich, CC BY-SA, #…Higit pa