fil.news
78

Obispo: "Hindi Pinagtitibay ni Papa Francis ang Katotohana"

Mayroong "bagong sitwasyon sa Simbahan" simula ng tinanggap ng ilang bansa ang mga nangangalunya sa Komunyon, sinabi ni Obispo Athanasius Schneider sa kanyang pagsasalita sa The Remnant (Nobyembre 20). Sinabi niya na hindi pa ito nangyayari "sa 2,000 taon ng Simbahan" at isang "pangkalahatang pag-atake sa Banal na Eukaristiya".

Idinagdag ni Schneider na ang mga nagpapahayag ng pag-aalala tungkol sa pagkalito sa Simbahan ay ang mga totoong kaibigan ni Francis hindi ang mga sumisipsip sa kanya. Tinawag niya itong "pagkakawanggawa" na hilingin kay Francis ang isang paglilinaw, "Kailangan nating magkaroon ng posibilidad na magsalita ng malinaw ng hindi natatakot na maparusahan o mahiwalay".

"Ang pananampalataya ay hindi pribadong pag-aari ng Papa", ito ay pag-aari ng buong Simbahan, iginiit ni Schneider. Ang Papa ay "isa lamang tagapamahala". Kung kaya ang papa ay hindi maaaring maggiit ng maling doktrina, "Kailangan nating maniwala dito, kahit tayo ay pansamantalang nabubuhay sa dilim at pansamantalang hindi pinagtitibay sa atin ng Papa ang tunay at hindi mababagong katotohanan sa Simbahan".

#newsXyyyvgcpvj

21:18