Wika
Mga Click
24
fil.news

Spokesman ng Vatican Ipinaliwanag Kung Bakit Nakilahok si Kardinal Parolin sa Bilderberg

Ang Kalihim ng Estado ng Vatican na si Kardinal Pietro Parolin, ay tinanggap ang imbitasyon sa lihim na Bilderberg Meeting sa Turin, Italy (Hunyo 7-10) matapos siyang imbitahin ng mga nag-oorganisa ng "paulit-ulit" at "labis na pagpupumilit", anim na buwan na ang nakakalipas.

Sinabi ng spokesman ng Vatican sa NcRegister.com (Hunyo 15) na pinag-isipan "ng napakatagal" ni Parolin ang tungkol sa imbitasyon at, "matapos konsultahin ang mga kinakailangang tao (Papa Francis), nagdesisyon siyang pumunta".

Si Parolin ay nasa pagpupulong ng maiksing panahon lamang, nasa isang oras at tatlong kapat upang magtalumpati tungkol sa "panlipunang doktrina ng Simbahan" na sinundan ng sesyon ng tanungan at pagsagot.

Inamin ng spokesman na "lubos na batid ni Parolin ang kontrobersyal na katangian" ng kaganapan ngunit nahimok matapos makatagpo ang maraming kalahok sa "ibang konteksto".

picture: Pietro Parolin, © Mazur/catholicnews.org.uk CC BY-NC-SA, #newsKkmhhqulxu
Magsulat ng komento
Binanggit ni fil.news ang post na ito sa Francis Nawalan ng Ugnayan sa mga Tao (Ngunit Hindi sa Oligarkiyang Media).