Clicks68
fil.news

Kardinal Nagsinungaling ng Harap-harapan sa Mundo, "Hindi Ako Kailanman Nanawagan ng Pagbabasbas sa mga Homoseksuwal"

Sa isang press conference (Pebrero 19) bago ang simula ng patuloy na pagpupulong ng mga Alemang Obispo sa Ingolstadt, ginulat ni Kardinal Marx ng Munich ang mundo sa pagsasabi na "Hindi ako nagsalita tungkol sa pagbabasbas ng mga magkasintahang homoseksuwal sa publiko", bagaman agad niyang idinagdag, "Ngunit ang paksa ay nandito".

Sa paglalaro ng salita sinabi ni Marx na, nang siya ay nagsalita noong Pebrero 3 sa Bayerischer Rundfunk, hindi siya humiling ng isang "Segnung" (pagbabasbas), ngunit para sa isang "Zuspruch", isang Alemang salita, lalo na sa mga liberal, na ginagamit bilang kasingkahulugan ng "pagbabasbas".

Gayunman, noong orihinal na inilathala ng Bayerischer Rundfunk ang panayam sa ilalim ng titulong “Blessing of gay couples is possible”, hindi nagprotesta si Marx. Isinulat ng webpage na katholisch.de ng mga Alemang Obispo noong Pebrero 3 na, "Ikinokonsidera ni Marx na ang pagbabasbas sa mga magkasintahang homoseksuwal ay posible". Muli, nanatiling walang kibo si Marx.

Ngayon, bigla na lamang niya itong itinanggi. Ang "pag-aanunsyo at pagtanggi" ay isang taktika na ginagamit ng mga mapanlinlang na pulitiko upang masanay ang mga tao sa kasuklam-suklam na mungkahi at upang maging katanggap-tanggap ang mungkahi sa lipunan. Ang pagbabasbas ng pekeng homoseksuwal na kasal ay kasalukuyan ng isinasagawa sa Simbahang Aleman at walang ginagawa ang mga obispo upang pigilan ito.

picture: Reinhard Marx, © Raimond Spekking, CC BY-SA, #newsNflmrobqyt