Clicks47
fil.news

Kardinal: Si Parolin ay Dapat Magbitiw Dahil sa "Malaking Pagtataksil"

Si Kardinal Joseph Zen, 86, ng Hong Kong ay nanawagan para sa pagbaba ng Kalihim ng Estado ng Vatican na si Pietro Parolin, sapagkat siya ay responsable para sa isang napipintong kasunduan sa rehime ng Tsina, iniulat ng South China Morning Post noong Setyembre 20.

Layunin ng kasunduan na magtatag ng diplomatikong relasyon at payagan ang mga Komunista na pumili ng mga obispo, sa ganitong paraan pinagtataksilan nila ang lihim na Simbahan na nanatiling tapat sa Roma sa loob ng ilang dekadang pagpapahirap.

Tinawag ni Zen na isang “malaking pagtataksil” sa Katolikong pananampalataya ang kasunduan, “Ibinibigay nila ang kawan sa bibig ng mga lobo". At, "Isa itong pagsuko sa kabuuan. Isa itong pagtataksil [sa ating pananampalataya]. Wala na akong ibang masasabi pa".

Inilarawan ng Kardinal si Parolin bilang isang tao na galit sa mga bayani ng pananampalataya. "Dapat siyang magbitiw", idinagdag pa niya, "Sa tingin ko wala siyang pananampalataya. Isa lamang siyang magaling na diplomat sa isang napakasekular at makamundong kahulugan".

Ayon kay Zen masisira ng kasunduan ang kredibilidad ng Simbahan, "Marahil ito ang dahilan kung bakit nila isinikreto ang kasunduan".

Naniniwala siya na tanging kalahati lamang ng mga Katoliko ang tatanggap sa kasunduan, "Natatakot ako na baka gumawa [ang iba] ng hindi makatuwiran, baka sila ay magrebelde".

picture: Pietro Parolin, © Mazur/catholicchurch.org.uk, CC BY-NC-SA, #newsHgptpxlmqq