fil.news
76

Isa Pang Alemang Diyosesis Nagdiwang ng Ideolohiyang Homoseksuwal

Noong nakaraang Biyernes, ang Freiburg Archdiocese, Germany, ay naglathala sa social media ng homoseksuwal na martsa na gaganapin sa Mannheim sa ika-12 ng Agosto. Bahagi nito ay "serbisyong ekumenikal" kung saaan ang katulong sa pastoral na si Gerrit Schütt, na binayaran ng artsidiyosesis, ay opisyal na nagbigay ng kontribusyon.

Ang opisyal na Katolikong organisasyon ng mga kabataan na Katholische Junge Gemeinde ay nakilahok sa martsa. Ang Freiburg Archdiocese ay pinapatakbo ng konserbatibong arsobispo na si Stephan Burger, 55.

Ngayong taon ang Feldkirch Diocese, Austria ay nakilahok sa parehong martsa at ang Rottenburg-Stuttgart, Germany, ay pinuri ang lokal na homoseksuwal na martsa.

#newsUixnbyzdcu