fil.news
36

Whistle-Blower Nagsalita sa Ikatlong Pagkakataon

Si Arsobispo Viganò - na inakusahan si Pope Francis noong Agosto sa pananahimik sa kaso ni McCarrick - ay naglathala ng ikatlong teksto.

Isa itong sagot sa bukas na liham ni Kardinal Ouellet, at inilathala sa MarcoTosatti.com (Oktubre 19).

Muling sinabi ni Viganò ang ilang pangunahing punto sa kanyang naunang testimonya, halimbawa, na nagbigay ng parusa si Benedict XVI kay McCarrick. Gayunpaman nagbigay ng bagong responsibilidad si Francis kay McCarrick kahit pa personal siyang sinabihan ni Viganó;

"Si Francis marahil ay kasabuwat sa korapsyong ito, o, bagaman alam niya kung ano ang ginagawa ni McCarrick, ay labis siyang nabigong salungatin ito at pigilin."

Itinanggi ni Viganó ang sinabi ni Ouellet na nakarinig lamang ng "sabi-sabi" ang Vatican tungkol kay McCarrick, at sinabi na alam ni Oullet ang katotohanan at mayroong hawak na nakasulat na ebidensiya.

Konklusyon niya, ang bukas na liham ni Ouellet ay pag-amin sa mahahalagang katotohanan at itinatanggi lamang ang mga pahayag na hindi niya kailanman ginawa.

Sa huli, itinuro ni Viganó na ang kasalukuyang "malaking krisis" ay hindi mareresolba hanggang sa ang mga bagay ay tinawag sa kanilang totoong pangalan, "Isa itong krisis dahil sa hagupit ng homoseksuwalidad".

At, "Isang napakalaking pagpapaimbabaw ang pagkondena sa mga nang-aabuso, pagsabi na malungkot para sa mga biktima, ngunit tumatangging tuligsain ang punong dahilan ng napakaraming seksuwal na pang-aabuso: homoseksuwalidad".

Sa isang tahasang reperensiya kay Francis idinagdag niya, "Ang pagsabi na ang krisis mismo ay klerikalismo ay isang lubos na panloloko. Ito ay upang magpanggap na ang dahilan, at instrumento, sa katunayan ay ang pangunahing motibo."

#newsYcyhlmhekh