fil.news
48

Kardinal Müller Nagbabala sa Tusong Argumento (ni Papa Francis)

Ang Salita ng Diyos ay napakaliwanag patungkol sa kasal, at hindi nais ng Simbahan ang sekularisasyon ng matrimonya, sinabi ni Kardinal Gerhard Ludwig Müller sa isang panayam para sa inilathalang libro …Higit pa
Ang Salita ng Diyos ay napakaliwanag patungkol sa kasal, at hindi nais ng Simbahan ang sekularisasyon ng matrimonya, sinabi ni Kardinal Gerhard Ludwig Müller sa isang panayam para sa inilathalang libro kamakailan lamang ni Fabio Marchese Ragona na “Tutti gli uomini di Francesco” (Lahat ng tao ni Francis).
Nagbabala ang kardinal tungkol sa pagpasok sa tusong argumento "na madaling lumikha ng hindi pagkakaunawaan" tungkol sa kasal. Gayunman, pilit na iginigiit ni Papa Francis ang tusong argumento ("indibiduwal na kaso") upang manipulahin ang Katolikong kasal.
Naniniwala si Müller na "hindi Amoris Laetitia ang lumikha ng nakalilitong interpretasyon ngunit ang mga nalilitong nagbibigay kahulugan ang nagbubunsod ng nakalilitong interpretasyon". Isa sa pinakanakalilitong interpretasyon ng Amoris Laetitia ay opisyal na itinataguyod ni Francis.
picture: Gerhard Ludwig Müller, © michael_swan, CC BY-ND, #newsZkibhjlxqn