ANG ORASYON.
Ang Orasyon ay pwedeng dasalin ng 3 beses sa isang araw: a las 6 ng umaga, a las 12 ng tanghali at a las 6 ng hapon. Sa dasal na ito, tayo ay nagkakaroon ng pagkakataon na isantabi muna ang ating mga pinagkakaabalahan at pagnilayan ang dakilang pagmamahal ng Diyos para sa atin...
Birhen Maria, Tala sa Umaga
Birhen Maria, tala sa Umaga noon pa man ay itinangi ka. Ang ‘yong liwanag ang takdang lulupig kay Satanas, tao’y ililigtas. Iyong tunghan kaming nananambitan at ang lupang iyong tinapakan. Tulong mo’y ilawit sa ‘min Maria ngayon at sa aming kamatayan. Ang kalinisan mo’y iginagalang naming mahina’t makasalanan. Awa ng Diyos ang aming kahilingan Birhen Maria, kami’y tulungan.